Inalerto ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko dahil posibleng magdulot ng flash floods at landslides ang mararanasang matinding pag-ulan dulot ng Super Typhoon Mawar.

Bukod sa Northern Luzon, binalaan din ng PAGASA ang mga residente sa Metro Manila sa posibleng maging epekto ng bagyo.

Huling namataan ang bagyo malapit na sa Luzon at kumikilos sa pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour (kph), taglay ang hanging 215 kph at bugsong hanggang 265 kph.

Tatawaging "Betty" ang bagyo kapag tuluyang pumasok sa Philippine area of responsibility, ayon pa sa PAGASA.

National

Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

Inaasahang papasok sa bansa ang bagyo nitong Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw.