Bumalik na si Pope Francis sa kaniyang mga gawain nitong Sabado, Mayo 27, matapos niyang makapagpahinga nang isang araw dahil sa lagnat, ayon sa Vatican.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng Vatican na nakipagkita na ang 86-anyos na si pope sa mga pribadong panauhin nitong Sabado.

Nito lamang Biyernes ng umaga, Mayo 26, binakante ang schedule ni Pope Francis nang tamaan siya ng lagnat.

MAKI-BALITA: Pope Francis, tinamaan ng lagnat, binakante kaniyang iskedyul 

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nakatakda naman umanong manguna si Pope Francis sa isang misa sa Linggo, Mayo 28, sa St Peter's Basilica sa Vatican.

Pagdating ng Lunes, Mayo 29, nakatakda siyang makipanayam kay Italian President Sergio Mattarella.

Matatandaang dinala si Pope Francis sa isang ospital sa Rome noong Marso 29 dahil may mga pagkakataon umanong nahihirapan siyang huminga.

MAKI-BALITA: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection

Nakalabas sa ospital ang pope noong Abril 1 matapos ang tatlong araw niyang paggagamot ng antibiotics para sa kaniyang bronchitis.

MAKI-BALITA: Pope Francis, nakalabas na sa ospital: ‘I am still alive’

Matatandaang naospital din nang 10 araw si Pope Francis noong Hulyo 2021 dahil sumailalim umano siya sa colon surgery.

Nakaranas din ang pope ng pananakit ng tuhod, na siyang dahilan kaya napilitan siyang gumamit ng wheelchair.