“Number one fan.”

Ganito inilarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang relasyon kay Vice President Sara Duterte, na kaniyang running mate noong 2022 national elections, sa gitna ng kamakailang mga pangyayari sa House of Representatives na kinasangkutan ni House Speaker Martin Romualdez at Pampanga Second District Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Ipinahayag ng pangulo ang kaniyang paghanga kay Duterte bago ibigay ang pangunahing talumpati para sa engrandeng paglulunsad ng Pier 88, ang unang smart port ng Cebu, sa Liloan, Cebu province, nitong Sabado, Mayo 27.

Binalikan ni Marcos ang kampanya noong 2022 at ibinahagi kung paano umano sila karaniwang nagtatawanan ni Duterte.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“And the reason I made her laugh [is] because I told her dito sa mga gulong nangyayari, I’ve just officially designated myself as your self-appointed official BFF (best friend forever),” ani Marcos.

“Sorry na lang, sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan,” dagdag niya.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng mga ulat ng isang kudeta sa mababang kapulungan laban kay Romualdez, ang pinsan ng Pangulo, na umano’y ginawa ni Arroyo, ang mentor ni Duterte. Nagdulot umano ito ng pagdududa sa UniTeam tandem ng nangungunang dalawang opisyal ng bansa.

Ang ibinahagi ni Marcos ngayon ay tila nagpakalma sa kalituhan kung saan nakatayo ang relasyon nila ng Bise Presidente pagkatapos ng “dramang” naganap noong nakaraang linggo.

Sinabi ito ni Marcos habang nakaharap si Romualdez, ang presidente rin ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), kasama sina dating Liloan Mayor at ngayon ay Tourism Secretary Christina Frasco at asawang si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco.

Kilala ang mga Frasco na malapit sa Bise Presidente, kung saan ang pinuno ng turismo ang nagsisilbing tagapagsalita ni Duterte sa panahon ng kampanya.

Nagbitiw si Duterte bilang chairperson ng Lakas-CMD, ang dominanteng partidong pampulitika sa bansa, matapos i-demote ng mababang kamara si Arroyo, ang chairman emeritus nito, bilang deputy speaker.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD

Raymund Antonio