Proud na proud ang netizen na si "Benjie Ador" sa kaniyang doktor na misis na si "Dr. Ket Imperial Ador," matapos nitong magpakita ng kabayanihan at pagganap sa tungkulin habang sila ay nasa loob ng eroplano patungong Bicol International Airport.
Ayon sa Facebook post ni Benjie noong Linggo, Mayo 21, pagpasok pa lamang nila sa eroplano ay napansin na kaagad nila ang isang cabin crew na naglalapat ng paunang lunas sa isang pasaherong male senior citizen.
Makikitang nagdurugo raw ang ulo ng naturang pasahero dahil sa isang head injury, kaya ang ginawa ng cabin crew, inilapat nito sa ulo ng pasahero ang mga tissue upang maampat ang pagdurugo. Kaagad daw sinabi ni Ben sa misis ang kaniyang nakita.
"After all the passengers have settled on their respective seat assignment as a trained emergency medical technician we have this saying 'duty to act' I told my wife 'tabangan ta kairak man' my wife replied "ako na! jan ka lang" so she slowly got up from her seat introduce her self to the cabin crew and to the passengers family."
"After observing basic aseptic protocols she observe the passengers injured site and ask the cabin crew if they have basic first aid kit. The cabin crew quickly opened the first aid kit bag with them kudos to all cabin crew who are always prepared. My wife asepticaly clean thoroughly the patients head and observe there are no signs of laceration but a contusion hematoma and abrasion caused by tumbler accidentaly fell hitting the head of the passenger."
"The bleeding stopped and proper first aid was observed. Vital signs recorded and alarmingly the blood pressure was 200/100. My wife advised the cabin crew that the passenger must undergo thorough medical check up to the nearest hospital. I don't want to brag about this but I'm a proud husband telling you a story how amazing my wife is."
"A doctor is blessed with magical powers bring health into our lives and to be there with us when we have lost all the hopes," ani Benjie.
Isang nagngangalang "April Punzalan" naman ang nagkomento at nagpasalamat sa mag-asawa.
"Maraming salamat po ulit, Dra. Kathleen and Sir Benjie. Di pa man po kami nagpe-page ng doctor andun na po kayo to offer help. That passenger is blessed to have you in the same flight. Salamat po ulit!"
Umani naman ito ng mga papuri at magagandang komento mula sa netizens.
"I am just a stranger but I’m proud of her too."
"A true blooded doctor to serve. Give my regards to your wife doc. Thank you for sharing."
"Naiyak ako literal habang nasa banda padulo na waa idk why."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 8.1k reactions, 1.9k shares, at 149 comments ang naturang FB post.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!