Isa sa mga nalungkot sa balitang titigil na ang "TeleRadyo" sa pag-ere ay si dating ABS-CBN at DZMM news achor Julius Babao, na ngayon ay nasa TV5 na at anchor ng "Frontline Pilipinas," ang flagship newscast program ng Kapatid Network.

Sa kaniyang Facebook post noong Mayo 23, ipinakita ni Julius ang muli niyang pagtapak sa ABS-CBN building upang dalawin ang studio ng DZMM.

"Marami ang nagulat sa balitang nalalapit na pagsasara ng DZMM TeleRadyo. Malapit sa puso ko ang TeleRadyo dahil matagal akong nagprograma sa DZMM bago pa ito naging TeleRadyo," ani Julius.

"Kahit wala na ako sa ABS-CBN, dama ko ang pagkagulat, sakit at lungkot na nadarama ng mga kapamilya natin sa TeleRadyo. Dahil kahit malayo tayo sa isa’t isa magkabigkis ang ating mga pusod."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Hangad at panalangin ko na gabayan kayo ng Panginoon sa pagtatapos ng kabanatang ito. Maraming salamat at paalam DZMM TeleRadyo," ani Julius.

Mapapanood din sa video ang muli niyang pag-upo sa kaniyang puwesto noon sa DZMM habang nagbabalita sa TeleRadyo.

Ayon sa mga ulat, nakipagsanib-puwersa ang ABS-CBN sa Prime Media na pagmamay-ari ni House Speaker Martin Romualdez upang maisahimpapawid ang mga balita sa pamamagitan ng radyo.

BASAHIN: TeleRadyo, titigil na sa pag-ere sa Hunyo 30