Puring-puri ang mga netizen sa pagganap ni Sparkle artist at anak ni dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na si Joaquin Domagoso bilang isang "transwoman," sa isang episode ng "">Wish Ko Lang" sa GMA Network.

Hindi makapaniwala ang mga netizen na kayang-kaya ni Joaquin ang ganoong role lalo na't isa siyang straight at isang tatay na sa anak nila ng partner na si Rafa Castro.

Sa kuwento, hindi matanggap ng kaniyang ama na ginagampanan ng action star na si Jeric Raval, ang sexual orientation ng kaniyang anak.

Ipinangako ng karakter ni Joaquin sa kaniyang sarili na patutunayan niyang kaya niyang tumayo sa sariling mga paa kaya nagtungo siya sa Japan upang magtrabaho.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Doon ay nakilala niya ang isang afam na tila nakursunadahan siya't inasawa; ang hindi niya alam ay may legal na asawa pala ito na isang Pilipina.

Anyway, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ang ganda ni JD, akala ko si Heaven Peralejo siya!"

"In fairness hindi pilit ha, lalo na yung pagsasalita niya. Parang beks talaga."

"Wow Joaquin Domagoso! Applause! ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ"

"Ang ganda niyang transwoman!"

Kasama rin dito sina Royce Cabrera, Therese Malvar, Dianne Medina, Anne Feo, Lara Morena, Trixie Fabricante, Yoshihiko Hara at John Gabriel.