Kinilala ng Guinness World Records (GWR) si Jimin mula sa pop mega-group BTS bilang “the fastest solo K-pop artist to reach 1 billion streams on Spotify (male)” matapos umano itong makatanggap ng isang bilyong streams sa Spotify sa loob lamang ng 393 days.
Sa ulat ng GWR, ang bandmate ni Jimin na si Jungkook ang nagtakda ng nasabing record dalawang buwan lamang ang nakalipas.
Nakatanggap si Jungkook ng 1 billion streams sa Spotify matapos niyang ilabas ang tatlo niyang awitin sa loob naman umano ng 409 na araw.
“Jimin’s six-track EP FACE was uploaded to Spotify on 24 March and was the catalyst for his surge in popularity, with support from the singles ‘With You’ (feat. Ha Sung-woon), ‘VIBE’ (TAEYANG feat. Jimin), ‘Set Me Free Pt. 2’ and ‘Angel Pt. 1’ (feat. Kodak Black, NLE Choppa, JVKE & Muni Long),” anang GWR.
“He also had a five-track EP titled Like Crazy and even released singles “Promise” (2018) and “Christmas Love” (2020) exclusively on Soundcloud,” dagdag nito.
Kamakailan lamang ay tinawag ng GWR ang BTS na “most popular group” matapos umani ang grupo ng 31 bilyong streams sa Spotify.
MAKI-BALITA: BTS, tinawag na ‘most popular group’; umani ng 31-B streams sa Spotify