Nalampasan na ng bansang India ang China sa pagiging pinakamataong bansa sa buong mundo matapos itong makapagtala ng mahigit 1.425 bilyong indibidwal.

Sa pinakabagong tala ng United Nations’ Population Division, umabot na sa tinatayang 1,425,775,850 ang bilang ng mga residente sa India.

Dahil dito, ayon sa Guinness World Records (GWR), opisyal nang kuha ng India ang record para sa “highest population, country.”

“Surprisingly, India has overtaken China despite being almost THREE TIMES smaller,” saad ng GWR.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kamakailan lamang ay nagkaroon na ng prediksyon ang United Nations (UN) na malalampasan ng India ang China pagdating sa pinakamataong bansa sa buong mundo.

Ito ay dahil umano sa pagbaba ng populasyon ng China bunsod ng ilang dekadang istriktong paglulunsad ng bansa ng one-child policy para sa married couples, na nagtapos naman noong 2016.

Nauugnay naman umano ang mas mabagal na paglago ng populasyon ng China sa tumataas na halaga ng pamumuhay at lumalaking bilang ng mga babaeng Tsino na pumapasok sa trabaho at naghahanap ng mas mataas na edukasyon.

MAKI-BALITA: India, malalampasan na ang China bilang ‘world’s most populous nation’ – UN ​

Bago ito malampasan ng India, ang China ang umano tinaguriang ‘world’s most populous nation’ mula pa noong 1950s.