Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Cagayan at Isabela nitong Sabado ng umaga, Mayo 27.

Sa tala ng PAGASA dakong 11:00 kaninang umaga, itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

  • Silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey) kabilang na ang Babuyan at Camiguin Islands
  • National

    Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

  • Silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Dinapigue, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan)

Namataan umano ang mata ng super typhoon Betty 1,170 kilometro ang layo sa silangan ng Gitnang Luzon na may maximum sustained winds na 195 kilometer per hour at pagbugsong 240 kilometer per hour.

Ayon pa sa PAGASA, napapanatili ng bagyo ang lakas nito habang kimukilos patungo sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

“Strong winds (strong breeze to near gale strength) will be experienced within the areas where Tropical Cyclone Wind Signal No.1 is currently in effect,” saad ng PAGASA.

Sa mga lugar na hindi direktang maaapektuhan ng super typhoon, posible naman umano ang monsoon rains mula sa enhanced Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA, Visayas, at Mindanao bukas, Mayo 28.