BATANGAS - Isang 43-anyos na Chinese diver ang nalunod sa isang diving lesson sa karagatang sakop ng Barangay Ligaya, Mabini kamakailan.

Sa ulat ng Mabini Police Station, kinilala ang banyaga na si On Ki Ng, ,taga-Hong Kong.

Sinabi ng pulisya, ang insidente na naganap nitong Huwebes ng hapon ay ni-report lamang sa kanila ni Mabini Tourism officer Ian Bueno nitong Biyernes ng hapon.

Sa pahayag ni Bueno, sumali si Ng sa isang diving lesson na pinangasiwaan ng isa pang dayuhang si Wah Shoun Wong sa Casa Escondida Resort, para sa 100 meters technical diving, kasama ang isang Daniel Burgaud.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nang maabot ni Ng ang puntiryang 100 metrong lalim, napansin umano ni Burgaud na hindi na ito gumagalaw at walang malay.

Kaagad niyang iniahon si Ng at isinugod sa ospital kung saan binawian ng buhay.

Sinabi naman ng pulisya na hindi ini-report sa kanila ng nasabing resort ang insidente.

Idinagdag pa ng pulisya na iniimbestigahan pa nila ang insidente.