ZAMBOANGA CITY - Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa Zamboanga City at sa dalawang lalawigan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang mga ito ay nakilalang sina Ahmad Mawali, taga-Sitio Niyog-Niyog, Barangay Muti, Zamboanga City; Akmad Hassan, Sibar Asid, at Anting Addalal.

Tanging si Mawali lamang ang nagsuko ng M-14 rifle nitong Huwebes, ayon kay city Police chief, Col. Alexander Lorenzo.

Sinabi ni Lorenzo, isa rin si Mawali sa tagasuporta ni ASG sub-leader Marzan Ajijul na sangkot naman sa pananambang sa isang bus sa Barangay Buenavista sa nasabing lungsod noong Pebrero 2017 na ikinasugat ng walong pasahero.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagbalik-loob naman sa pamahalaan sina Hassan, Asid, at Addalal sa tulong ng Joint Task Forces (JTF) Sulu at Basilan nitong Huwebes.

Nakatakdang ipasok sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ang apat na bandido upang matulungan ng gobyerno sa kanilang pagbabagong-buhay.

Philippine News Agency