Aarangkada sa isang international project si Kapuso star Dennis Trillo matapos ianunsyo sa Cannes Festival ang pagbibidahang serye “Severino,” ang kuwento ng pari, at unang dokumentadong serial killer sa bansa.

Ito ang anunsyo ng award-winning Filipino content production company na CreaZion Studios nitong Huwebes, Mayo 25, kasunod ng ekslusibong ulat ng Variety ukol sa proyekto.

Ang materyal na pangungunahan ng Kapuso actor ay hango sa tunay na kuwento ni Severino Mallari, ang tinaguriang unang dokumentadong serial killer sa Pilipinas.

Matatandaang hinangaan ng global scene si Dennis sa kaniyang “On the Job: The Missing 8” performance sa Venice International Film Festival noong 2021.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, maliban sa “Severino” ay nakalinya na rin ng "Last Shadow at First Light” na proyekto rin ng CreaZion Studios katuwang ang ilang production houses mula Singapore, Japan at Slovenia.

Sa huli, panata naman ng Pinoy prod na iwagayway ang kultura at talento ng bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga dekalidad at pang-internasyunal na mga materyal.