Tinatayang 69% ng mga Pilipino ang nagsabing mahirap maghanap ng trabaho sa panahong ito, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Huwebes, Mayo 25.

Sa tala ng SWS, 11% naman ang naniniwalang madali lamang ang maghanap ng trabaho sa panahong ito, 16% ang nagsabing hindi ito madali at hindi rin mahirap, samantalang 4% ang nagsabing hindi nila alam kung mahirap o madali ang paghahanap ng trabaho.

"Finding a job has always been hard since 2011," anang SWS.

Samantala, sa kaparehong survey ng SWS, 50% naman umano ang naniniwalang mayroong mga "available" na trabaho sa susunod na 12 na buwan.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nasa 26% naman umano ang nagsabing walang magiging pagbabago, 10% ang nagsabing kakaunti lamang ang pwedeng pasukang trabaho, habang 14% ang nagsabing hindi nila alam.

“Since 2009, except during the height of the Covid-19 pandemic, Filipinos have been more optimistic about job availability,” saad ng SWS.

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 26 hanggang Marso 29 sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.