Tiniyak ng pamahalaan na mayroong pang magagamit na pondo para sa kalamidad sa bansa.

Ito ang isinapubliko ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman nitong Biyernes sa gitna ng paghahanda ng gobyerno sa inaasahang pagpasok sa bansa ng Super Typhoon Mawar.

Pagbibigay-diin ni Pangandaman, ang natitirang ₱18.3 pondo para sa disaster relief operations ay magagamit pa para sa taon na ito.

Kabilang sa naturang pondo ang natira na ₱1.5 bilyon mula sa badyet ng pamahalaan nitong 2022.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Our government is prepared. We are ready to support all operations for disaster rescue and relief with the necessary budget. Identified frontline government agencies may mobilize their Quick Response Fund (QRF) allocated in their respective budgets,” dagdag pa ng kalihim sa panayam sa telebisyon.