Inalerto ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko dahil sa mararanasang matinding pag-ulan sa Northern Luzon bunsod ng Super Typhoon Mawar.

Sa pahayag ni PAGASA weather specialist Benison Estareja, mararamdaman ang malakas na pag-ulan sa Linggo ng gabi.

Inaasahang papasok sa bansa ang bagyo ngayong Biyernes ng gabi o sa Sabado, ayon sa PAGASA.

Tatawaging "Betty" ang bagyo kapag tuluyang pumasok sa bansa, ayon sa PAGASA.

Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone

Posible rin aniyang paiigtingin ng bagyo ang southwest monsoon (habagat) na magdadala naman ng pag-ulan sa western portion ng Southern Luzon, Central Luzon at Visayas simula sa Linggo o Lunes.

Huling namataan ang bagyo 1,740 kilometro silangan ng Southern Luzon habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour (kph).

Dala nito ang malakas na hanging 215 kph malapit sa gitna at bugsong hanggang 256 kph.