Matapos matupok kamakailan sa isang dambuhalang sunog ang Manila Central Post Office, isa si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa mga nalungkot sa balita lalo pa’t naging bahagi aniya sa kaniyang karera ang makasaysayang gusali.
Matatandaan ang sumiklab na apoy sa naturang tanggapan sa Ermita, Maynila noong Mayo 21 dahilan para maabo ang halos lahat ng kagamitan sa loob nito.
Matapos ang insidente ay tinatayang nasa mahigit P300 milyong halaga ang naitalang kabuuang danyos habang nasa 13 ang naiulat na nasugatan.
Maliban pa rito ang ikinadurog na mga alaala at kasaysayan ng gusali na nakatayo pa noong 1926.
Sa bahagi ng OPM icon at aktres na si Regine Velasquez, &t=1821s">isang pelikula ang kaniyang binalikan na kinunan sa makasaysayang gusali.
“Ano na kaya mangyayari kay Katherine at sa iba pang naging bahagi ng Manila Central Post Office[?]😢” tanong ni Songbird sa kaniyang karakter sa 2002 comedy-drama film na “Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon” kasama si Richard Gomez.
“Naging bahagi ng buhay ko ang Post Office napasok ko at nakakilala rin ng mga kaibigan duon. The Manila Central Post Office was a Historical land mark it’s so sad that this happened,” pagpapatuloy ng singer sa kaniyang Instagram post.
Ilang fans din ni Songbird ang nakisimpatya sa pagkatupok ng Manila Central Post Office at napa-throwback din sa iconic movie.
“Yas Ate Reg, actually ikaw ang naisip ko nung nabalitaan ko nasunog.. Ung movie nyo, one of my fave movies, ❤️” komento ng isang fan.
“Waaaaah ito talaga una ko naalala sa Manila Post Office. 😢”
“Una ko talagang naaalala ng Ikaw Lamang Hanggang Ngayon Movie 😭💔😕”
“Yung Ikaw Lamang hanggang ngayon yung naalala ko pagkarinig ko sa news😢 Si Katherine😢”
“We will always have this piece of history of the place because of your movie.”
“Your image while stamping the envelopes was the one I remembered yesterday when I saw the news. 😕”
Maging ang mister na si Ogie Alcasid at TV personality na si Kakai Bautista ay nagpahayag din ng kalungkutan sa parehong post ni Songbird matapos ang trahedya sa gusali.
Gayunpaman, ilang kagawaran na ng gobyerno ang nagpahayag ng kanilang pagtulong para sa muling pagtatayo Manila Central Post Office.