Naka-heightened alert na ang mga tauhan ng Coast Guard District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CGDBARMM) bilang paghahanda sa pagpasok sa bansa ng Super Typhoon Mawar ngayong Biyernes ng gabi.

Tiniyak ng CGDBARMM na nasa maayos ang kagamitan ng Deployable Response Group (DRG) nito na makatutulong sa pagsasagawa ng evacuation at rescue operations sa maaaring idulot ng nasabing bagyo.

Nanatili ring nakabantay ang mga tauhan ng CGDBARMM sa iba't ibang Coast Guard station nito sa mga pantalan ng rehiyon upang tumulong sakaling magkaroon ng anumang insidente sa karagatan ngayong tag-ulan.

Pinayuhan din ng Coast Guard ang publiko na mag-ingat at maging handa sa pagpasok ng bagyo sa bansa.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

Inabisuhan din ang mga residente sa mga tinukoy na lugar na sumunod sa paalala ng mga local government unit para na rin sa kanilang kaligtasan.

Nauna nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papasok na sa Pilipinas ang Super Typhoon Mawar ngayong Biyernes ng gabi o sa Sabado.