Ang Maynila ang nakapagtala ng rekord bilang unang lungsod sa National Capital Region (NCR) na nakaabot ng 100% sa measles-rubella vaccination sa ilalim ng ‘Chikiting Ligtas 2023’ nationwide supplemental immunization campaign.
Kaugnay nito, binati at pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng city personnel, lalo na ang mga taga-Manila Health Department sa pamumuno ni chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, na tumulong sa kolaboratibong hakbang na nagresulta sa pangunguna ng Maynila sa listahan ng mga local government units (LGUs) bilang pinakamaraming batang nabakunahan laban sa measles, rubella at polio sa pinakamaagang panahon.