Aglipay, Quirino -- Inaasahang matatapos na sa Hunyo 5 ang Flood Control Infrastructure Project sa Pinaripad, Aglipay, Quirino.

Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang proyektong sinimulan noong Abril 8, 2022 ay naglalayong makapagtayo ng 212.58 meters ng 4-berm concrete river control at bridge slope protection structures sa section 1.

Nagtayo rin ng 400-meter gabion protection structure sa section 2 na may toe protections.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Para sa karagdagang proteksyon, ininstall din ang Portland Cement Concrete Pavement (PCCP) na may 0.23 metrong kapal na may stone masonry at roadway lighting para sa tulay.

Ang orihinal na target completion ay dapat noong Marso 10, ngunit ang proyekto ay ginawang 424 calendar days kaya't ang bagong target completion ay sa Hunyo 5.

Layunin ng flood control project ay magbigay ng proteksyon laban sa baha para sa mga nakapaligid na lugar.