TUGUEGARAO CITY -- Handa ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa posibleng epekto ng super typhoon "Mawar" sa bansa.

Iprinisenta ni Arnold Azucena, hepe ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT), sa PDRRMC ang kanilang mga preparasyon.

Ayon kay Azucena, naka-standy na ang kanilang 157 rescuers mula sa pitong TFLC station sa Amulong, Lal-lo, Gonzaga, Sanchez, Mira, Ballesteros, Tuoa, at Tuguegarao City.

Dagdag pa niya, nakahandan na rin ang mga floating assets at iba pang mga equipment na kakailanganin sa pag-eevacuate sa mga masasalanta ng bagyo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon naman kay Bonifacio Quarteros ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), nakahanda na rin ang 2,500 packs ng limang kilong bigas, 4,000 sako ng 50 kilos na bigas, mga de latang pagkain, at non-food items para sa mga maaapektuhan ng bagyo.