Maganda ang nagiging takbo ng showbiz career ng former beauty queen na si Alma Concepcion sa Kapuso network. Sa kaniya namang personal life ay may maganda ring balita sa kaniyang anak na si Richard Concepcion Puno o Cobie Puno.

Sa kaniyang post sa Facebook, ibinahagi ni Alma ang recognition na natanggap ni Cobie bilang Cum Laude sa Fordham University, New York USA sa kursong Bachelor of Science in Business Administration – Primary Concentrations in Social Innovation and Marketing Minor in Economics.

Dahil diyan sobrang proud at walang pagsidlan ng sobrang tuwa ni Alma. Sa ipinost niya ngang video ng video call ng kaniyang anak ay napaluha na lang sa kasiyahan si Alma sa tagumpay na nakamit ni Cobie.

Kaya naman ininterview ng Balita si Alma para sa kaniyang reaksyon sa pagiging Cum Laude ng kaniyang anak.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Sobrang nakakawala ng pagod. Nalaman lang namin two days before graduation. Nalaman namin mga evening ng May 17. Na-erase lahat ng sad memories. Sobrang happy lang. Kasi when it comes to parenting there’s no manual on parenting and every step of the way you’re not sure if you’re doing the right thing. Parang nangangapa ka all through out from baby hanggang paglaki. Tama ba ginagawa ko? Tama ba itong timpla na ito? Masyado ba akong mahigpit? Kailangan ko bang luwagan? Parang everyday ka nagtitimpla ng volume. Chini-change mo yung ano, yung timpla.”

Napagtanto ni Alma na heto ang magandang bunga na tama nga ang kaniyang pagpapalaki sa kanyang anak.

“Ngayon nung nag-Cum Laude siya dun first time ko lang nasabi sa sarili ko for 23 years na tama pala yung ginawa ko. For 23 years I was insecure, I was nangangapa, I was doubtful, parang am I doing the right thing? Am I too loose? Am I too strict? Kasi never ko yan napalo. Mali ba na never ko siyang napalo? Parang hanggang taas lang ako ng boses. May mali ba ako? Kasi nga ano eh only child syndrome eh. Parang takot na takot ako dun, sabi nga nila only child syndrome. Baka ano takot na takot ako na magkaroon siya ng ganoong mentality. Only syndrome, entitled ganyan.

“Pero parang ngayon ko lang naramdaman, first time in my life na tama pala yung ginagawa ko. Pero the whole time hindi ako sure kung tama. Alam mo yun?”

Hindi man nakapunta sa US si Alma sa recognition ng kaniyang anak naroroon naman ang spirit at moral support niya bilang mapagmahal na ina. Pagbabahagi pa ni Alma hindi naman daw sila ka-sentimental sa ganoon. Instead daw na pumunta siya Amerika napagdesisyonan nila na gamitin na lang yung pera sa pagpaparenovate ng kuwarto ni Cobie. Kaya medyo busy si Alma sa pagpapagawa ng kuwarto ng kanyang binata. Mula raw kasi noong baby pa si Cobie magkasama na sila sa kuwarto ni Alma.   

Samantala kabilang pa rin si Alma sa cast ng part 2 ng drama action serye na “Lolong.” Ayon sa kanya sa September daw sila mag-uumpisang magtaping.