Siyam na beses pang nagbuga ng mga bato ang Mayon Volcano habang pitong beses namang yumanig ang Bulkang Taal sa nakaraang 24 oras.

Ang nasabing pag-aalburoto ng dalawang bulkan ay naobserbahan dakong 5:00 ng madaling araw ng Huwebes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Biyernes.

Hindi naman maaninag ng Phivolcs kung nagkaroon ng crater glow o pamumula ang bunganga ng Bulkang Mayon dahil natatakpan ito ng makapal na ulap.

Naobserbahan din ang pagbuga nito ng usok na tinangay ng hangin sa timog-timog kanluran ng bulkan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Panawagan ng Phivolcs sa publiko, sumunod sa utos ng pamahalaan na nagbabawal na pumasok sa ipinaiiral na 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa posibleng pagragasa ng mga bato at lahar kapag umulan nang malakas.

Pitong sunud-sunod na pag-uga naman ang naitala ng ahensya sa Taal Volcano.

Tumagal ng dalawang minuto ang naturang pagyanig.

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang paglapit at pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa nito dahil sa pinangangambahang phreatic explosions, pagbuga ng abo at nakalalasong usok nito.