Sinakmal ng humigit-kumulang 40 buwaya ang isang 72-anyos na lalaki sa Cambodia nitong Biyernes, Mayo 26, matapos umano itong mahulog sa kulungan sa reptile farm ng kaniyang pamilya.

Sa ulat ng Agence France-Presse, gumamit ng patpat ang 72-anyos na si Luan Nam upang piliting alisin ang isang buwaya mula sa isang hawla kung saan ito nangitlog.

Hanggang sa bigla umanong kinagat ng nangitlog na buwaya ang patpat saka ito hinila, na siyang naging dahilan naman ng pagkahulog ng matanda sa kulungan ng mga buwaya sa kabukiran ng Siem Reap.

Doon na pinalibutan ng mga buwaya si Luan Nam hanggang sa bawian na ito ng buhay, anang pulisya sa AFP.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Habang napuno ng dugo ang kulungan ng mga buwaya, natakpan umano ang katawan ni Luan Nam ng mga marka ng kagat, at nilamon pa raw ng mga naturang reptiles ang isang braso nito.

Si Luan Nam ay ang presidente ng  local crocodile farmers' association, ngunit ngayon ay ibebenta na raw ng kaniyang pamilya ang kaniyang stock.

Ilang taon na rin umanong hinihimok ng pamilya ng 72-anyos na ihinto ang pagpapalaki ng mga buwaya.

Hindi ito ang unang beses na may namatay sa naturang lugar dahil sa mga buwaya.

Noong 2019, isang dalawang taong gulang na batang babae ang pinatay at kinain din umano ng mga buwaya nang gumala siya sa reptile farm ng kaniyang pamilya sa parehong nayon.

Marami umanong buwaya sa paligid ng Siem Reap, ang gateway city patungo sa “famed ruins” ng Angkor Wat.