CAVITE – Dalawang menor de edad ang nasawi sa magkahiwalay na pagtama ng kidlat sa General Trias City noong Huwebes, Mayo 25.

Sa ulat mula sa General Trias City Police Station (CPS) Chief Lt. Col. Jose Naparato Jr., naganap ang unang insidente sa Barangay San Francisco, kung saan dalawang lalaking biktima ang tinamaan ng kidlat habang nakatayo sa gilid ng kalsada bandang alas-4 :00 p.m.

Agad silang dinala sa ospital para magamot, ngunit idineklarang dead on arrival si Edison Hachero, 16-anyos.

Nagtamo ng minor injury ang pangalawang biktima na si Jovic Gubat at kalaunan ay nakalabas ng ospital.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isang hiwalay na insidente ang naganap sa Barangay Pasong Camachile II, kung saan nagpapalipad ng saranggola ang tatlong batang lalaki sa isang open field bandang 5:00 p.m.

Nang bumuhos ang ulan, sumilong ang mga biktima sa ilalim ng puno kung saan sila tinamaan ng kidlat.

Si Xian Prangan, 10 taong gulang, ay idineklarang dead on arrival ng attending physician sa ospital.

Naka-confine sa ospital si John Carlo Mira, 9, habang naka-discharge naman si Vince Angelo Angcaya, 8, at patuloy na nagpapagamot sa bahay.

Sinabi ni City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Executive Assistant IV Fernando P. Olimpo sa Manila Bulletin na madalas nangyayari ang kidlat at pagkidlat-pagkulog sa lugar.

Carla Bauto Dena