Pitong lalaking artists ang nagtulong-tulong upang makabuo ng isang kahanga-hangang rice artwork para kay social media personality/content creator na si Toni Fowler mula sa San Sebastian, Ramon, Isabela.

Ayon sa panayam ng Balita kay Giovani Garinga ng GTeam/Rice Art Nation, obviously ay ginawa nila ito upang mapansin ni Toni at mabiyayaan sila ng ipinamimigay nitong iPhone 14.

Roasted rice ang ginamit nilang materyales at pitong araw daw ang binuno nila upang matapos ang naturang rice artwork.

Mga larawan mula kay Giovani Garinga/GTeam/Rice Art Nation

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

"Aside from the obvious iphone 14, meron talaga siyang lesson. Di po nababash siya dahil sa mga kanta niya lately, pero if you try to look at the other side of the coin, isang matapang, malakas ang loob at hindi takot mahusgahan ng mga tao."

"Gaya nga po sa mensahe ng aming video, "Kung ano yung bagay na makapagpapasaya sa'yo, hangga't wala kang inaapakang tao, gawin mo lang, ituloy mo lang. Have the courage to be disliked and learn to not give a fuck!"

Kaya mensahe raw ng kanilang artwork, "Have the courage to be disliked and learn to not give a fuck!"

Mga larawan mula kay Giovani Garinga/GTeam/Rice Art Nation

Ang unang social media personality na ginawan nila ng artwork ay si Rendon Labador, kung saan pina-auction umano ito sa halagang ₱1M.

BASAHIN: ‘Motivational’ rice artwork, pinapa-auction ni Rendon Labador

Hangad daw nila na makarating kay Toni ang naturang rice artwork.

Mapapanood din sa kaniyang ">YouTube channel ang "behind-the-scenes" ng kanilang paggawa sa rice artwork ni Mama Oni.