Usap-usapan ngayon ang latest Instagram story ni Moira Dela Torre habang kausap ang ilang mga kaibigan at kasamang lalaki.

Sa video, makikitang tinanong ni Moira ang isang kaibigan kung napanood na nito ang "new girl." Naka-tag ito kay "Jeric Pacaba" na isang gitarista at kaibigan nga ng singer.

"Napanood mo na yung new girl?" untag ni Moira.

"Ha?" tanong ng lalaking kausap na nakasuot ng shades.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

"Yung new girl?" ulit ni Moira.

"Bakit?" muling tanong nito.

"Napanood mo na?" tanong pa ulit ni Moira.

"Hindi pa," sagot nito.

"And that's the end of that conversation hahaha," sabi ng isang lalaki sa background na ikinatawa naman ni Moira.

"I don't think any other video can perfectly describe how you are as a friend. HAHAHA," text caption ni Moira.

Screengrab mula sa IG story ni Moira Dela Torre

Bagama't walang binanggit o tinukoy, timing naman at sumabay ang IG story na ito ni Moira sa lumabas na new music video ng kaniyang estranged husband na si Jason Marvin Hernandez na may pamagat na "Ikaw Pa Rin," na ayon sa interpretasyon ng mga netizen, ay tila paghingi ng second chance ni Jason kay Moira. Tampok sa music video na ito ang "new girl" na ilang beses nang flinex ng estranged husband.

Puwede rin daw na ang tinutukoy ni Moira ay ang movie o TV series na "New Girl."

Makahulugan talaga ang hirit na ito ng singer!

Samantala, pumalag naman umano ang kapatid ni Moira na si J'Mee Dela Torre at sinabing nakakatawa ang song na ito, at ginamit pa ang wedding video clips nila ng kapatid para pag-usapan.

Ngunit kung bibisitahin ang Twitter account ay nakalagay na "Does not exist" na ito, na maaaring nag-deactivate o nag-delete ng account.

BASAHIN: Sis ni Moira pumalag daw sa music video ni Jason: ‘Nakakatawa yung buong song!’