Isang estudyanteng nagalit matapos makumpiskahan ng cellphone ang siyang dahilan umano ng pagsiklab ng sunog sa isang school dormitory sa Guyana, South America, na ikinamatay ng 19 estudyanteng menor de edad.

Ang nasabing sunog na kumitil ng buhay ng 19 estudyante ay nangyari umano noong Linggo, Mayo 21, sa isang dormitoryo na may edad 11 hanggang 12 at 16 hanggang 17.

MAKI-BALITA: 19 estudyante, patay sa pagkasunog ng dormitoryo sa Guyana

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa ulat ng Agence France-Presse, kinumpirma ng isang opisyal na noong gabing maganap ang insidente, isang babaeng estudyante ang nagbantang susunugin niya ang gusali nang kumpiskahin ng staff ang kaniyang cellphone.

"They (staff) took away the phone from the girl and the girl threatened the same night that she will burn down the building and everybody heard her," saad ng opisyal sa ulat ng AFP.

Makalipas umano ang ilang minuto, pumunta ang estudyante sa banyo at nag-spray ng insecticide sa kurtina bago sinindihan ang posporo.

Maraming mga mag-aaral umano ang nagkuwento ng parehong bersyon ng mga nasabing kaganapan.

Ayon pa sa opisyal, umamin naman ang estudyante sa pinagmulan ng sunog at nasa ilalim na siya ng kustodiya ng pulisya sa district hospital sa bayan ng Mahdia.

Tinitingnan pa umano ng pulisya kung kakasuhan ang nasabing estudyante.