“Her legacy will forever live among the stars.”
Isang larawan ng nagkikislapang mga bituin ang ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) bilang pag-alala kay “Queen of Rock ‘n’ Roll” Tina Turner na pumanaw na nitong Huwebes, Mayo 25.
“Simply the best. Music legend Tina Turner sparkled across the stage and into millions of hearts as the Queen of Rock 'n' Roll. Her legacy will forever live among the stars,” pahayag ng NASA sa kanilang Instagram post.
Ayon sa NASA, ang naturang larawan ay isang closeup shot ng isang kumpol ng “tightly-packed stars” na nakikita ng Hubble Space Telescope.
“The sparkles are reminiscent of Tina Turner’s beaded and sequined dresses she would wear on stage,” saad ng NASA.
“The center of the cluster has the most stars, where most are blue and white. Red and orange stars are found farther from the center,” dagdag nito.
Nitong Huwebes ng umaga nang kumpirmahin ng kaniyang team at manager ang pagpanaw ni Turner dahil umano sa sakit.
MAKI-BALITA: Legendary singer na si Tina Turner, pumanaw na
“She will shine forever. ❤️,” komento naman ng isang netizen sa post ng NASA.