Bumaba sa 19% ang mga nasa hustong gulang na Pinoy na jobless o walang trabaho ngayong unang quarter ng taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Miyerkules, Mayo 24.

Sa inilabas na survey ng SWS mula Marso 26 hanggang Marso 29 ngayon taon, nasa 8.7 milyong mga Pilipino ang walang trabaho nitong Marso.

Mas mababa umano ito nang 2.3 puntos sa 21.3% o 9.6 milyong Pinoy na walang trabaho noong Disyembre 2022, at 7 puntos na mas mababa sa 26% noong Abril 2022.

Gayunpaman, mas mataas umano ang porsyento ng walang trabaho nitong Marso nang 1.5 puntos kung ikukumpara sa 17.5% noong Disyembre 2019, bago ang Covid-19 pandemic.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon pa sa pinakabagong survey ng SWS, nasa 62.4% o tinatayang 45.9 milyon ang Labour Force Participation Rate sa bansa. Ito umano ay nasa 62.6% o tinatayang 45.2 milyon noong Disyembre 2022.

Ang “jobless” ay binubuo ng mga Pilipinong nasa 18-anyos pataas na kusang umalis sa kanilang mga dating trabaho, naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, o nawalan ng trabaho dahil sa mga kalagayang pang-ekonomiya na hindi nila kontrolado.

Ang kawalan ng trabaho ay umabot sa isang sakuna na antas na 45.5% noong Hulyo 2020. Sa pangkalahatan, bumababa ito mula Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2022, na umabot sa kasing baba ng 18.6% noong Oktubre 2022.

“Joblessness reached a catastrophic level of 45.5% in July 2020. It went on a generally downward trend from September 2020 to December 2022, reaching as low as 18.6% in October 2022,” saad ng SWS.

Isinagawa umano ang nasabing survey sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.