Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng ₱25.1 bilyong health insurance para sa mahihirap.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), ang naturang pondo ay ibibigay ng DBM sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa isang taon na health insurance premiums ng 8,385,849 na mahihirap na miyembro nito.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. mandated his cabinet to ensure that Filipinos are provided with affordable health care. Pinamulat sa atin ng pandemya ang kahalagahan ng mas matatag na health care system, kaya’t pinagsisikapan po natin na ilapit ito sa ating mga kababayan, lalung-lalo na po sa mga higit na nangangailangan,” pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.

"The fund will be sourced from authorized allotments in the FY 2023 General Appropriations Act (GAA) pursuant to Republic Act (RA) 11936," aniya.

Matatandaang inaprubahan ng DBM nitong Abril 4, 2023 ang pagpapalabas ng ₱42,931,355,000 para sa isang taong health insurance premiums ng 8.5 milyong senior citizens sa bansa.