Inilunsad na ng pamahalaan ang peryodikong "The Philippine Gazette" na ipinamamahagi sa publiko.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, pinangunahan ng kanilang attached agency na Bureau of Communications Services (BCS) ang pamamahagi ng nasabing pahayagan nitong Miyerkules.

“Inilunsad ng Presidential Communications Office-Bureau of Communications Services kahapon, May 24, 2023 ang The Philippine Gazette, isang libreng pahayagan na magsisilbing tulay upang maiparating sa mga Pilipino ang mga impormasyon ukol sa mga programa at proyekto ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.,” sabi ng PCO.

Maaaring makakuha ng kopya ng pahayagan sa mga istasyon ng Light Rail Transit (LRT)-Line 2 sa Recto, Cubao, at Santolan; Tutuban station ng Philippine National Railway; at Manila North Harbor Terminal at Victory Liner Terminal sa Pasay City.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Philippine News Agency