Iba, Zambales -- Inaresto ng awtoridad ang isang 60-anyos na lalaki na wanted sa 11 kaso ng estafa sa Brgy. Palanginan dito, noong Miyerkules, Mayo 23.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Amelita Corpuz ng Dinalupihan, Bataan Regional Trial Court Branch 96, naaresto ang suspek na kinilalang si Raedag Villamin, residente ng nasabing lugar.

Nagtakda ang korte ng kabuuang piyansang P558,000 para sa suspek.

“The continuous accounting and arrest of these individuals wanted by law is a testament to our determination to put criminals behind the bars of justice wherever they are,” ani Police Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr., Police Regional Office 3 director.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, inaresto rin ng pulisya ang limang drug personalities at nasamsam ang nasa P345,440 halaga ng umano'y shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Angeles City, Pampanga at Nueva Ecija nitong weekend.