Matapos ang tila "soft launch" ng singer na si Jason Marvin Hernandez sa kaniyang tila bagong pag-ibig at binibigyan ng taguring "mystery girl," naungkat naman ng mga netizen ang lumang social media post niya para sa kaniyang estranged wife na si "Queen of Hugot Songs" Moira Dela Torre noong 2020.

Pinupulutan ito ngayon sa sikat na social media page na "Senyora."

"Baka ako na sunod mo dalhin jan ha," pabirong caption ng social media personality.

'Dedma sa pa-soft launch ni ex!' Moira, feel ang love ng mga tao sa kaniya

Kalakip ng post ang dalawang litrato kung saan makikita ang sinabi ni Jason kay Moira noon, at take note, sa parehong lugar pa.

"At nakita kita sa tagpuan ni Bathala," caption ni Jason na mula sa popular na awitin ni Moira na "Tagpuan."

Lunes, Mayo 22, muling flinex ni Jason ang litrato nila ng "bagong pag-ibig" habang nasa Horse Shoe Bend Canyon, kapareho sa pinuntahan nila ng estranged wife.

"Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti," caption ni Jason.

Tila dedma naman dito si Moira dahil nag-post naman siya ng mga taong nagpaparamdam ng pagmamahal sa kaniya.

"Never thought my heart could hold and feel this much love before," ani Moira.

Bumuhos naman ang magagandang mensahe para sa kaniya mula sa kapwa celebrities gaya nina TJ Monterde, Angelica Panganiban, Iza Calzado, gayundin ang mga tagahanga at tagasuporta niya.

Anyway, narito naman ang reaksiyon at komento ng mga netizen sa "pag-ungkat ng past" ni Senyora.

"The design is very eme."

"The design is very PAPANSIN."

""Do you get deja vu when she's with you."

"Broken marriage vow lang ang peg haha."

"The level of petty. He (was) bringing his woman to those certain memorable places he'd been with his wife."