Posibleng hindi direktang tatama sa bansa ang super bagyong Mawar na nasa labas pa rin ng Philippine area of responsibility (PAR).

Inaasahan ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Ana Clauren-Jorda, na lalapit sa Cagayan o sa Batanes at sa Babuyan Group of Islands ang bagyo sa loob ng 24 oras.

Kung hindi magbabago ng direksyon, tuluyan nang papasok sa PAR ang bagyo sa Biyernes o sa Sabado at paiigtingin nito ang habagat o southwest monsoon na magdadala naman ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa sa Linggo hanggang Lunes.

Huling namataan ang bagyo 2,215 kilometro silangan ng Visayas, dala ang malakas na hanging 185 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at bugo na hanggang 230 kph.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Dahan-dahang kumikilos ang bagyo patungong hilagang kanluran ng bansa.

Idinagdag pa ng PAGASA, tatawaging "Betty" ang nasabing bagyo kapag tuluyang pumasok sa bansa.