Nangako si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ipagpatuloy ang muling pagtatayo ng Marawi at tulungan ang mga lumikas na indibidwal matapos ang pagkubkob noong 2017.

“We continue to rebuild Marawi in the aftermath of the siege that took place on May 23, 2017,” ani Marcos sa isang Facebook post gabi ng Martes, Mayo 23.

Sinabi pa niya na ang administrasyon ay "nagpapatibay sa ating pangako sa kanilang kapakanan" na ipinakita sa pamamagitan ng mga pagsisikap sa rekonstruksyon at ang paglalaan ng P1 bilyon para sa mga displaced na indibidwal.

Idinagdag niya na ang P1-bilyong alokasyon ay sumasaklaw sa mga "nagtiis sa pagkawala ng kanilang mga tahanan at ari-arian."

Metro

ALAMIN: Mga lugar na apektado ng pagbabalik ng 'No Contact Apprehension'

“Sama-sama, magsisikap tayong matiyak na ang Marawi ay lalabas nang mas malakas kaysa dati,” pagpapatuloy ng Pangulo.

Ang Marawi siege na tumagal ng limang buwan ang kumitil sa buhay ng 168 sundalo at pulis.

Idineklarang napalaya na ang Marawi City noong Oktubre 23, 2017 matapos mamatay ang Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Isnilon Hapilon at ang Maute Group leader na si Omar Maute.

Ayon sa Task Force Bangon Marawi, mahigit 360,000 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa limang buwang pagkubkob.

Ang Marawi siege ay nagresulta rin sa P18.5-bilyong pinsala at pagkalugi sa mga pampubliko at pribadong ari-arian, ayon sa post-conflict needs assessment ng Asian Development Bank (ADB).

Betheena Unite