Pinaiigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang intelligence gathering laban sa mga barangay official na dawit umano sa illegal drugs.
Ikinatwiran ni PNP public information office chief, Brig. Gen. Redrico Maranan, bahagi lamang ito ng kanilang trabaho upang matiyak na ligtas at mapayapa ang idaraos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
"Siyempre napakalaki ng epekto niyan doon sa kampanya na ginagawa sa paglaban saillegalna droga sapagkat alam natin kapag ang isang namumuno ay may kinalaman sa illegal na droga, nawawala ng saysay yung ating mga pamamaraan at paglaban natin sa illegal na droga dahil maaaring siya ay nagiging protektor at naitatago niya yung mga impormasyon na dapat ay nakakarating agad sa mgalaw enforcement agencyat sa ganun ay magamit sa mabilis na paghuli at pagbuwag sa sindikato ng droga," pagdidiin ni Maranan.
Hiniling din nito sa mga barangay official na sumailalim savoluntary drug test.
"We have this call because this will greatly help in our campaign against illegal drugs. Second, it would set a good example for their constituents," aniya.
Idinagdag pa ni Maranan, mahalagang malaman ng publiko ang mga opisyal na sangkot sa iligal na droga upang hindi na sila tularan ng mga kumakandidato o naghahangad na maging opisyal ng gobyerno.
Sa datos ng PNP, umabot na sa533 government employeeang nakakulong na dahil sa iligal na droga,kabilang na ang mga barangay worker.
Philippine News Agency