Usap-usapan ngayon ang bagong inilabas na music video ng singer na si Jason Hernandez na may pamagat na "Ikaw Pa Rin" na tila nagtatampok sa kaniyang "mystery girl" na ilang beses niyang flinex sa social media, subalit hindi pa kita ang mukha.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/05/22/jason-binuhat-si-mystery-girl-siya-ang-nagligtas-sakin-ang-nagbalik-ng-aking-ngiti/

At sa kaniyang music video ay nakita na nga mismo ang mukha nito, na isang beses lamang ipinakita.

Ang ilan sa mga litrato nito na una na niyang ipinakita sa Instagram stories niya ay makikita sa naturang music video.

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

At ang nakakaloka rito, may ilan pang clips mula sa wedding nila ng estranged wife na si Moira Dela Torre ang kabilang sa naturang music video.

Ibig bang sabihin nito, dedicated ang kanta para kay Moira at siya pa rin ang mahal niya?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng mismong music video.

"Huwag sana nating ilagay ang pressure kay Moira after listening to Jason's song. If you want to win her back ipakita mong nagbago ka na, yung better version mo. Pray to God after all, kung kayo talaga the universe will conspire to make it happen."

"Grabe nakakaiyak, really praying na magkabalikan kayo kasi si Jesus ang Lord n'yo! Win her back plssssssss mag-asawa kayo, iisa kayo! At Kristiyano kayo. Super ganda ng song."

"I don't know why I'm teary-eyed after watching the video. I was kind of mad at Kuya Jason because of those pictures he posted in his story. But after watching this, I think Kuya Jason deserves a second chance. I know hindi batayan porke't ginagawan ka lang ng kanta eh patawarin mo na siya, pero... ewan basta na touch ako sa kanta."

So ang tanong ngayon ng bayan: batay sa lyrics ng kanta, humihingi ba si Jason ng second chance para sa kanila ni Moira?

Open naman kaya si Moira na makipagbalikan sa kaniyang estranged husband?

Anyway, mapapanood ang music video ni Jason sa kaniyang ">YouTube channel.