Inatasan ng hukuman na makulong si Peter Joemel "Bikoy" Advincula kaugnay ng pagsisinungaling nito laban sa tatlong abogado ng Free Legal Assistance Group (FLAG) ilang taon na ang nakararaan.

Si "Bikoy" ang dating naka-hood sa isang viral video kung saan isinasangkot nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa illegal drug trade noong 2019.

Sa desisyon ni Metropolitan Trial Court Branch 17 Judge Karla Funtila-Abugan ng Manila City nitong Mayo 24, pinatawan ng hanggang isang taong pagkakabilanggo si Advincula nang matunayang nagkasa kasong perjury na isinampa ng mga abogadong sina Chel Diokno, Erin Tañada at Theodore Te.

Sa alegasyon ni Advincula, ang tatlong abogado umano ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik kay Duterte sa pamamagitan ng "Ang Totoong Narco-list" video.

Politics

Barbers, 'di sang-ayon sa pahayag ni Tiangco tungkol sa pagkatalo ng Alyansa: 'Misleading!'

Itinanggi nina Diokno, Tañada at Te ang alegasyon ni Advincula kasabay na rin ng paghahain ng kaso laban sa huli.