Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang naglalayong taasan ang taunang supply allowance ng mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan.

Tanging pirma na lamang ng presidente ang hinihintay upang maisagawa na ang Senate Bill (SB) No. 1964, o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act,” na nakakuha ng 20 unanimous votes.

Sa ilalim ng SB 1964, unti-unting tumataas ang allowance sa pagtuturo mula sa kasalukuyang P5,000 hanggang P7,500 para sa school year 2023-2024 at P10,000 bawat guro sa mga susunod na taon ng pag-aaral.

Ang mga karagdagang benepisyo ay hindi sasailalim sa buwis.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“The current cash allowance also includes a P500 allocation for medical examination, if we deduct that from the purchase of teaching materials and equipment, it will only drop to P22 pesos per day. A box of chalk costs P68, a ream of bond paper costs P120, not including the Internet load,” ani Senador Bong Revilla Jr. habang iginigiit na kulang ang P24 supplies allowance bawat araw o P5,000 na allowance sa mga kagamitan sa pagtuturo para sa buong taon.

Ayon kay Revilla, kasama na sa nasabing allowance ang para sa isinasagawang medical examination.

“Overworked and yet, underpaid” nga raw ang mga kaguruan gayong ang pagtuturo ang isang propesyon na lumilikha ng iba pang propesyon.

Ipinasa ng Senado ang panukala sa ikatlong pagbasa noong ika-17 at ika-18 na Kongreso.