Usap-usapan ngayon ang Instagram story umano ng singer at theater actress na si Rachelle Ann Go tungkol sa tanong niya kung bakit tila mas mura ang presyo ng gulay sa London, United Kingdom kaysa sa Pilipinas.

"Bakit parang mas mura ang gulay sa London kesa sa Pinas?," caption ni Rachelle Ann sa kaniyang IG story kalakip ang litrato ng mga gulay sa London.

Bukod dito, ibinida rin niya ang pamimili ng gulay ng kaniyang ina dahil nga sa murang presyo nito.

"Mama @ruselle.go.56 buying all the gulay,” aniya.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Screengrab mula sa IG story ni Rachelle Ann Go

Screengrab mula sa IG story ni Rachelle Ann Go

Si Rachelle Ann Go ay isang internationally acclaimed singer at theater actress. Nanalo siya bilang Grand Winner sa “Search for a Star” noong 2004 sa GMA Network, hosted by Regine Velasquez.

Nagpakasal siya sa kaniyang asawang South African-born, American-raised businessman na si Martin Spies noong Abril 18, 2018 at mayroon na silang mga anak. Sa Greenwich, London, UK sila naninirahan sa kasalukuyan.