M'LANG, North Cotabato (PNA) – Tatlumpu sa 45 na estudyante sa Palma Perez Elementary School dito ang nakalabas na ng ospital matapos umanong malason ng “maruya” na kanilang minantakan para sa meryenda noong Lunes, Mayo 22.

Sinabi ni Dr. Jun Sotea, municipal health officer, na hindi bababa sa 15 estudyante ang nanatili sa ospital para sa karagdagang obserbasyon.

“They were advised by doctors for confinement for more tests,”  sabi niya tungkol sa mga mag-aaral na dinala sa isang lokal na ospital, tanghali ng Lunes.

Batay sa kanilang inisyal na natuklasan, sinabi ni Sotea na ang nagtitinda malapit sa paaralan ay nagkamali sa paggamit ng "tawas" (potassium alum) sa halip na puting asukal.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa pagkonsumo, ang mga nag-aaral, na may edad pito hanggang 12, ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagkahilo.

Naniniwala si Barangay Palma Perez Chairman Edward Borromeo na hindi sinasadya ng vendor na naninirahan din sa kanilang barangay ang tawas sa halip na puting asukal dahil sa magkahawig sila sa butil at kulay.

Aniya, ang nagtitinda ay nagbebenta ng maruya at iba pang abot-kayang pagkain para sa mga mag-aaral sa nakalipas na 10 taon.

Philippine News Agency