“It is an offense to the Filipino public…”

Ito ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros nitong Martes, Mayo 23, matapos ipawalang-sala ng Sandiganbayan ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay sa kinakaharap na 16 kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam.

Nitong Lunes, Mayo 22, inilabas ng Sandiganbayan ang desisyong “not guilty” si Napoles sa 16 na kaso na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund projects ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr., na naabsuwelto sa plunder noong 2021.

MAKI-BALITA: Janet Napoles, inabsuwelto ng Sandiganbayan sa 16 ‘pork’ cases

“It's a sad day for public accountability and our anti-graft efforts,” ani Hontiveros.

“It is an offense to the Filipino public that Janet Napoles's sentence is diluted and is incommensurate to the gravity of the corruption she engineered because the prosecution failed to provide sufficient evidence,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Hontiveros na umaasa siyang hindi ito maging dahilan para mapanghinaan ng loob ang Senado at tagapagpatupad ng batas sa patuloy na paglalantad ng mga katiwalian sa bansa.

“I hope this in no way discourages the Senate and law enforcement from continuously pushing for investigations and exposés that shed a harsh and necessary light on corruption ploys.

“Patuloy na naghihirap ang mga kababayan natin dahil sa pangungurakot. We should continue depriving these avaricious appetites, and not sating them,” saad ni Hontiveros.

Sa kabila naman ng pagpapawalang-sala kay Napoles sa naturang 16 na kaso, napatunayang guilty ng Sandiganbayan si Napoles sa dalawang counts ng graft at dalawang counts ng malversation of public funds dahil sa pakikipagsabwatan umano kay dating Davao del Sur Rep. Douglas Cagas at ilan pang pampublikong opisyal.