Mahigpit na binabantayan ngayon ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang lebel ng tubig ng tatlong malalaking dam sa lalawigan, partikular ang Angat Dam na nagsusuplay ng 97 porsiyento ng pangangailangan ng domestic water sa Metro Manila.

Batay sa datos ng Bulacan Rescue, nasa 191.45 meters ang lebel ng tubig ng Angat Dam as of 8:00 a.m. nitong Martes, May 23, na medyo malapit sa critical level na 180 meters; Ang Ipo Dam ay nasa 99.07 (spilling level ay nasa 101 meters); at Bustos Dam sa 17.33 meters.

Hindi lang sa halos 30,000 ektarya ng bukirin sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga ang maaapektuhan ng lumalalang pagbaba ng tubig ng Angat Dam kundi maging ang mga residente ng Metro Manila.

Samantala, sa pagbanggit ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), regional weather forecast, inihayag ng PDRRMO na simula 4:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga nitong Martes, ang lalawigan ng Bulacan ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan na walang signipikanteng epekto.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Noong nakaraang Lunes, naglabas ng thunderstorm advisory bandang 9:05 p.m. na humantong sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat sa mga bayan ng Sta Maria, Marilao, Lungsod ng San Jose Del Monte, at Bocaue.

Freddie Velez