Pasado na sa House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa nitong Lunes, Mayo 22, ang panukalang naglalayong pagkalooban ng 20% discount ang mahihirap na naghahanap ng trabaho para sa mga kinakailangang government certificate at clearance tulad ng kanilang birth certificate.

Naipasa ng plenaryo ang House Bill No.8008 o ang "Kabalikat Sa Hanapbuhay Act" matapos umanong sumang-ayon ang 270 miyembro sa Kamara, habang walang tumutol at nag-abstain dito.

Ayon sa panukala, ang kahulugan ng indigent job seeker na makikinabang dito ay: “a person who is seeking gainful employment and has no visible means of income or whose income falls below the official poverty threshold, as identified by the National Economic and Development Authority and/or cannot afford in a sustained manner to provide their minimum basic needs of food, health, education, housing and other essential amenities of life.”

“The Local Social Welfare Development Officer (LSWDO) of the city/municipality or any equivalent unit of the municipality where the indigent job seeker resides is authorized to issue a Certificate of Indigency based on the latest CBMS data … Such certification shall be free of charge,” ayon pa sa nasabing panukalang batas.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Samantala, awtomatiko naman umanong kwalipikado ang mga indigent job seeker na may pamilyang kasama sa “Pantawid Pamilyang Pilipino Program" (4Ps).

Sa ilalim ng House Bill No.8008, bibigyan ng 20% discount ang indigent job seekers para sa mga sumusunod na kinakailangang dokumento:

- Barangay clearance.

- NBI clearance.

- Police clearance.

- Medical Certificate mula sa alinmang ospital ng gobyerno.

- Medical Certificate para sa foreign employment mula sa alinmang pasilidad na medikal na kinikilala ng Department of Health (DOH) para sa mga manggagawa sa ibang bansa at seafarer.

- Marriage Certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

- Birth certificate mula sa PSA.

- National Certificate at Certificate of Competency (COC) mula sa TESDA.

- Certificate of Civil Service Eligibility mula sa CSC.

- Iba pang mga kinakailangang dokumento na inisyu ng gobyerno na maaaring kailanganin ng mga employer mula sa mga mahihirap na job seekers gaya ng itinakda at inaprubahan ng Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee na itinatag sa batas na ito.

Nakasaad naman sa Section 5 ng panukala na libre na para sa mahihirap na job seekers ang mga sumusunod:

- Tax Identification Number (TIN) mula sa Bureau of Internal Revenue.

- Transcript of Records, Transfer Credentials, Authenticated Copy ng

Diploma, at Certificate of Good Moral Character mula sa State Universities and Colleges, at Local Universities and Colleges ng indigent job seeker.

Maaari lamang naman umanong magamit ang nasabing pa-libre at discounts para sa indigent job seekers isang beses kada anim na buwan.