Dalawang lucky bettors ang maghahati sa tumataginting na ₱29.7 milyong jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng dalawang lucky winner ang six-digit winning combination na 28-32-12-09-18-50 ng GrandLotto 6/55 kaya’t paghahatian ng mga ito ang katumbas na jackpot prize na ₱29,700,000.

Nabili umano ng mga lucky winners ang kanilang lucky tickets sa Bacoor, Cavite at Iloilo City, Iloilo.

Samantala, mayroon ring 10 mananaya na nakapag-uwi ng tig-₱100,000 na second prize para sa napanalunang tig-limang tamang numero.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Upang makuha ang kanilang premyo, pinayuhan naman ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang mga lucky bettors na magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang winning tickets at dalawang balidong IDs.

Alinsunod sa TRAIN Law, ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay sasailalim sa 20% VAT.

Ang mga papremyo naman na hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa araw ng pagbola dito, ay awtomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Muli rin namang hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang PCSO games upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang GrandLotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.