Ngayong International Day for Biological Diversity, Mayo 22, nagbahagi ang Masungi Georeserve ng kamangha-manghang mga larawan ng wildlife interactions na nakuhanan daw mismo sa loob ng georeserve.
“One of the interesting interactions we observe yearly is that of the majestic JC's Vine and various species like birds, butterflies, bees, wasps and even skinks,” saad ng Masungi sa kanilang social media post.
“Learning more about them would shed light on the proper preservation of the species and the depth of our native natural history.”
Nanawagan din ang Masungi na tulungan silang protektahan ang georeserve na nahaharap sa mga banta mula sa iba’t ibang human activities.
“We need your help to sustain these efforts for years to come. #BiodiversityDay #SaveMasungi #HandsOffMasungi,” saad nito.
Kamakailan lamang ay nagbahagi rin ang Masungi ng mga larawan ng ‘star-shaped flowers’ na Hoya meliflua na sa Pilipinas lamang umano matatagpuan.
MAKI-BALITA: Masungi, nagbahagi ng mga larawan ng ‘star-shaped flowers’ na Hoya meliflua