Umakyat na sa 13 katao ang nasugatan sa sunog na tumupok sa gusali ng Manila Central Post Office ng Philippine Postal Corporation (PhilPost), sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, sa Ermita, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang sa mga nasugatan ay sina FO2 Joel Libutan (Sta.Mesa FS), 36;  FO1 Carlo Abrenica(Arocerros FS), 24; Toto Roslin (Sy Squad), 43; Elaine Dacuycoy (civilian) 16; SFO2 Julio Erlanda (Sta.Ana FS), 43; FO1 Jeremy Roque, 30; FO1 Josaphat Martin (Caloocan FS,E54 RB), 26; FO1 Mark Louie Guiogiuo (Malacanang FS), 31;  SFO1 Angelo Panado(Bacood FS), 42;  INSP Luke Warren Challongen (Paco FS);  SFO2 Rey Christopher Fernandez (Sampaloc FS); FO1 Russel Ponlaroche (Arroceros FS), 28; at FO1 Royce Caro (Paco FS), 25.

Dakong 11:41 ng gabi ng Linggo nang sumiklab ang bahagi ng basement ng apat na palapag na gusali

Nakontrol ang sunog na ikinatupok ng mahigit sa ₱300 milyong halaga ng ari-arian dakong 7:22 ng umaga.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Kinumpirma naman niBFP-National Capital Region chief Fire Chief Supt. Nahum Tarrozana hindi na mapapakinabangan ang gusali, na isang national historical landmark, dahil totally burned na ito.