Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na mula Mayo 15 hanggang 21, ay nakapagtala sila ng 12,426 na bagong kaso ng Covid-19 sa bansa. 

Base sa national Covid-19 case bulletin na inisyu ng DOH, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 1,775.  Ito ay mas mataas ng 0.1% kumpara sa mga kaso noong Mayo 8 hanggang 14.

Sa mga bagong kaso, 87 ang may malubha at kritikal na karamdaman. 

Mayroon rin namang naitalang 13 pasyente na pumanaw kung saan isa ang naganap noong Mayo 8 hanggang 21.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Anang DOH, noong Mayo 21, 2023, mayroong 486 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa Covid-19. 

Mula sa 2,134 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 389 o 18.2% ang okupado habang 4,211 o 23.0% ng 18,321 non-ICU Covid-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Kaugnay nito, patuloy na pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19. 

"Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng Covid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster," anang DOH.