Sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Mayo 22, nasa kabuuang 12,426 na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala nitong nakaraang linggo na may average na 1,775 impeksyon kada araw.
Sa pinakahuling bulletin nito, ibinunyag ng DOH na ang tally ng mga bagong kaso ng Covid-19 ay mas mataas ng 0.1 porsyento kumpara sa mga naitalang kaso mula Mayo 8-14, 2023.
“Sa mga bagong kaso, 87 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, [meron] namang naitalang 13 na pumanaw kung saan 1 ay naganap noong May 8 hanggang 21," ani DOH.
Sa kabila ng pagbaba ng World Health Organization (WHO) sa Covid-19 global health emergency, hinihimok pa rin ng DOH ang mga Pilipino na huwag maging kampante sa banta ng virus.
“Magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate,” dagdag nito.
Charie Mae Abarca