Naghain si Senador Robinhood "Robin" Padilla ng Senate Bill 2217 na sumusulong ng parusang "death penalty" sa mga halal na opisyal at mga alagad ng batas na sangkot sa iligal na droga. 

Sinabi ni Padilla na maluwag masyado umano ang kasalukuyang batas kaya raw wala nang takot ang mga alagad ng batas na makinabang sa iligal na droga. Kaya't giit pa ng senador na kailangan ang mas mahigpit na tugon mula sa pamahalaan.

"It is an incontrovertible truth that the illegal drug trade and prevalence become so entrenched and systematic that its rot sets in the very core of our public institutions. To reinstate the rule of law and rebuild the trust of the Filipino people, we must re-impose the death penalty as a strong deterrent to grave offenders from the Armed Forces of the Philippines, the Philippine National Police, any uniformed or law enforcement agency, or an elective official who are entrusted with the public power by the people," ani Padilla.

Hangad amyendahan ng panukala ang Sections 27 at 28 ng RA 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022, kung saan parusang kamatayan o death penalty ang naghihintay sa mga opisyal o miyembro ng AFP, PNP, "or any other uniformed or law enforcement agency."

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Gayundin sa mga halal na opisyal na nakikinabang umano sa drug trafficking o nakatanggap ng kontribusyon o donasyon sa mga nahatulan sa drug trafficking--bukod sa pagtanggal sa pwesto.

Ngunit hindi papatawan ng death penalty ang nagkasala kung ito ay babaeng buntis; o may edad na 70-anyos pataas, ayon sa panukalang batas.

Noong nakaraang linggo, inihain ni Padilla ang panukalang batas na nag-aamyenda sa Sec 4 ng RA 10845, o ang Anti-Agricultural Smuggling Act, sa gayon ay nagpapataw ng parusang kamatayan kapag ang pagkakasala ay ginawa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), o iba pang uniformed or law enforcement agency.

"Bakit ko po ginawa ito? Dahil sa atin pong maiksing pagdinig ngayon sabi nga ng katabi ko hindi parang may mafia kundi may mafia na sa loob,’’ saad ng senador sa isang public hearing ng Senate agriculture and food committee sa walang patid na pagpupuslit ng mga agriculture produce.

"We have to send a strong message that the large-scale agricultural smuggling, hoarding, profiteering, and cartel of agricultural products perpetrated by the officers and employees of the Bureau of Customs, are heinous and a threat to the very foundation of our society. Hence, there is a compelling reason to impose death penalty," aniya pa sa kaniyang panukalang batas.